Friday, May 15, 2015

Pagsasanay ng mga Braso

     Maulan ang umaga subalit mainit ang tubig sa dagat ,maligamgam ika nga. Gusto pa sanang tumagal ni Dharma sa pagligo sa dagat subalit napansin niyang umakyat na si Liilanath mula sa baybayin patungo sa seawall .Naalala niya ang turo ni Trimurti 
na pagsasanay ng mga braso laban sa alon at pagpapaunlad ng katawan sa pamamagitan ng mga alon. Na mabuti sa paghinga at sa mga kalamnan. Pero dapat mahinay lang kagaya ng pag galaw na ginagawa ng mga Tai Chi master. Pwede ito kahit walang surfing board, para gliding at life saver. Hindi niya kailangang mangisda o mamingwit man dahil vegetarian siya. Mas gusto niya ang mga sinabawang chop suey na hinaluan ng corn at asparagus soup. Liilanath: "Sabi ko kay Dirgha kung gustong kumita iwasan ang sugal
pero umaga tanghali gabi sila tumataya hayun pagkatapos ng anim na buwan wala ng puhunan. Hindi na makapagluto. Hayun na ang ulan! ( sabay turo nito sa timog)"
Makapal na ang ulan at bumagsak na ito bago pa man sila nakasilong.
Dharma: Takot palang mabasa si Mr Laghima at takot siyang maligo kapag masama ang panahon.
Liilanath: Akala ko kung sinong naliligo ikaw pala akala ko nag jogging ka!

No comments:

Post a Comment